Thursday, September 12, 2013

Order Taker II

Nakaugalian na nila na mag lunch out every payday. This time, nasa Alabang Town Center sila. At dahil mejo posh ang place (halos mga taga ayala alabang eh), itong si Katbisyosa ibang level na naman ang aura, porma at pananalita. Nag aadjust kasi yun kung nasaang lugar sya eh. Parang iguana lang ang peg. 

Ang eksena.. matapos magtake ng lunch nag decide silang magdessert naman. Napadaan sila sa Dairy Queen (DQ). Christmas season, so may mga bagong flavors ang mga ice cream. Habang tumitingin sa menu...

Katbisyosa: Uyyy... may bago sila!
Geekchic: Ay oo nga, mukhang masarap ah!
Hotmom: Onga! Try natin?  
Katbisyosa: Uy tara! *excited, may ngiti ang mga mata, nakatanghod na sa counter* Ano sa inyo?
Nang biglang nagsalita na yung service crew...
Counter guy: Hi Good afternoon! Welcome to DQ! Can I take your order Ma'am?
Katbisyosa: *nangunguna na kasi sa counter, nakatunghay* Uhm.. *slang* Parang like ko (sabay turo) Frap... uhm frapper.. uhm.. (nag iisip.. takte ang hirap naman basahin) ay Dilly Bar na lang.. (sabay turo sa kabilang side)
Hotmom & Geekchic: **Tawang tawa lang na parang ganito**








No comments:

Post a Comment