Monday, September 9, 2013

Minutes of the Meeting

Matalino. Masipag. Mahusay. Walang ibang masasabi ang mga ka-opisina ni Katbisyosa sa kanya. Sa totoo lamang, sya ang itinuturing "Star" ng kanilang grupo. Kahit ano pa ang ipagawa sa kanya, hinding hindi nya uurungan at hinding hindi sya papatalo. Kaya nga daw itong kanyang "promotion" ay sisiw lang sa kanyang kagalingan at talento.

Mula noon pa man na nagsisimula sya sa kanyang karera...
makikitaan na talaga sya ng kakaibang galing at talino. 

Minsan isang araw, nagkaroon ng meeting ang group nila Katbisyosa. Tulad ng inaasahan, naatasan sya bilang isang secretary at sya magte take ng minutes of the meeting.

Bossing: Katbisyosa, ikaw ang mate take ng minutes of the meeting ha?
Katbisyosa: Yes Ma'am! No problem! 

Makalipas ang trenta minutos...
Katbisyosa: Ma'am, inform ko lang po kayo na 4:30pm na po.
Bossing: Ah okay. *Patuloy na nagko conduct ng meeting*
Katbisyosa: *Tingin sa watch* Ma'am, 5:10pm na po.
Bossing: Ah i see. *tuloy-tuloy lang ang meeting*
 Katbisyosa:  *Smile at pa cute, sabay take down notes*

Makalipas ang ilang minuto
Katbisyosa: *Kalagitnaan ng discussion* Ma'am, 5:45pm na po.
Bossing: Katbisyosa may urgent ka ba ngayon? Okay lang kung may gagawin ka, unahin mo muna yun.
Katbisyosa: Hmm. Ma'am, wala naman po.
Bossing: Ah okay, akala ko kasi may importante ka pang dapat gawin para dun sa mga new hires natin.
Katbisyosa: Ay Ma'am, wala naman po, okay na po ang mga yun. *Sabay ngiti tapos kalabit kay Gwiyomi, ang isa sa malalapit nyang kaibigan na kaopisina nya rin*

Nang matapos ang meeting...
Katbisyosa: Gwiyomi, may sasabihin ako sa'yo.
Gwiyomi: *naka singhal* Ano na naman yan? May problema ka ba? 
Katbisyosa: Tangeks, seryoso 'to. Feeling ko may kalokohan na naman akong ginawa.
Gwiyomi: Ano yun? 
Katbisyosa: Eh kasi nahihiya ako eh... uhmmm. sige na nga.. ano kasi eh.. uhmm.. hindi ko kasi alam kung ano yung "minutes of the meeting" eh.
Gwiyomi: Wahahahahahahahah!!!! Sabi ko na nga ba eh.. kaya pala panay sabi mo kung anong oras na! Eh teka ano nga ba yung minutes of the meeting???
 Katbisyosa: Wahahaha Talaga?? hindi mo din alam yun?? Friends talaga tayo! Ahihihiihi!
Gwiyomi: May naisulat ka ba?
Katbisyosa: Uhmm.. ano ba isusulat bukod sa oras?
               
                                  TOINKZZZ!!!   WAPAAAAAAAKKKK!!!! 


                                                                         


7 comments:

  1. hahahaha.. parang nawala stress ko dito.. naalala ko pa noon yan kasama kasi ako sa experience na yan. isa yan sa mga pangyayari na priceless at dadalhin ko na habang buhay pa ko. jarvis_pogi

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan ang isa sa mga rason kung bakit ginawa itong blog na ito. this will take you down the memory lane while reading each post! ano daw?! wahahahaha! :p

      Delete
  2. umpisa pa lang masakit na sa panga.. namiss ko tuloy kayo! shittttt.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahihihi! abang abang lang sa website na ito para sa mga susunod na edition! lakas pampa good vibes! ^_^

      Delete
  3. ansabe ateh? anu batalaga ang ibig sabihin ng "minutes of the meeting."? hahahah!

    ReplyDelete
  4. Hahaha! Ayos to. Bute nalang hindi ako ang gumagawa ng "Minutes of the meeting" whenever na may session sa office :D

    ReplyDelete