Tuesday, October 1, 2013

Istariray

Kung PR at PR lang ang pag uusapan, hinding hindi papatalo si Katbisyosa. Halos pumantay na nga sya sa level ng ka-PR-han nila M1 at M2. Aba, akalain mong pag nagtransmit ng mga document sa ibang department, aabutin ka ng ilang oras dahil sa walang tigil at ayaw pumirmi ng kanyang bibig sa kakadaldal. Kahit nga lang dumaan sya sa hallway, ayos lang sana na may kangitian, kabatian... kaso wala, pag si sya ang kasama mo, mapapatigil at mapapahintay ka dahil sa sobrang PR sa lahat ng tao.

Kulang na lang nga na bansagan syang Miss Congeniality sa isang beauty pageant, kaso hindi sya pwedeng sumali dahil alam naman nating may height limit at Q&A portion ang mga ito. Over Qualified ang ating bida sa mga ganon. Kaya nga sa company na pinapasukan nya na lamang sya nagpapasikat.Yun naman talaga ang gusto nya eh. Ang makakuha ng pansin ng mga tao. Kung hindi man sya mapansin, magpapa pansin talaga sya. "All eyes are on her" ang kanyang goal.

Minsang Isang Araw, nag overtime ang grupo nina Katbisyosa, umaga na sila natapos sa kanilang mga trabaho. At dahil sa naparami ang nainom na kape, tinamaan ng hindi maganda ang kanyang tiyan.

Katbisyosa: Sir.. uhmm.. parang sumasakit ang tyan ko.
M1: Hahaha yan, sa kakatawa mo yan kinabagan ka na.
Katbisyosa: Hindi Sir, parang hindi naman yata kabag lang to eh. Iba ang sakit eh.
M1: Aha! Nako, ilabas mo na yan baka magkalat ka pa ng lagim dito.
Katbisyosa: Ihhhh, Sir favor naman, ayoko kasi sa CR dito sa bldg. Gusto ko dun sa may clinic.
M1: Aba choosy ka pa ha. Eh di magpunta ka ng clinic.
Katbisyosa: ihhhh sir.. uhm.. samahan mo naman ako please? *pa cute* sige naaaaa..
M1: Ano ba yan! Papasama pa talaga? Ano ka si Jedipot?
Katbisyosa: Sige na please? *Batting eyelashes*
M1: Eh tatapusin ko pa to oh.
Katbisyosa: Sige na.. sir..
M1: Sus, sige na nga.

Pumunta na nga sila sa Clinic. At ng matapos si Katbisyosa, habang naglalakad pabalik sa kanilang Bldg...

M1: Bakit ba kasi ayaw mong pumunta magisa don? *Tumawa konti*
Katbisyosa: Eh kasi sir eh.. uhmm,.. pinagtitinginan ako ng mga tao pag nadaan ako ng quadrangle...
M1: Huh??? Ikaw pinagtitinginan??
Katbisyosa: Oo kaya.. eh nahihiya na ako paminsan.
M1: Wahahaha! Eh di ba yun naman ang gusto mo. Hahahah! Alam mo, pagtitinginan ka talaga.. *sabay tingin sa likod ni Katbisyosa* Alam mo kung bakit?? Eh kasi basa yang pwet mo.
Katbiyosa: *Gulat* *Nabigla, sabay check ng likod nya* Hala.. oo nga..
M1: *Tawang tawa lang*

Define Dyahe!




Thursday, September 12, 2013

Order Taker II

Nakaugalian na nila na mag lunch out every payday. This time, nasa Alabang Town Center sila. At dahil mejo posh ang place (halos mga taga ayala alabang eh), itong si Katbisyosa ibang level na naman ang aura, porma at pananalita. Nag aadjust kasi yun kung nasaang lugar sya eh. Parang iguana lang ang peg. 

Ang eksena.. matapos magtake ng lunch nag decide silang magdessert naman. Napadaan sila sa Dairy Queen (DQ). Christmas season, so may mga bagong flavors ang mga ice cream. Habang tumitingin sa menu...

Wednesday, September 11, 2013

Order Taker

Minsang isang araw, nag lunch out sila Katbisyosa at mga ka-opisina nya. Ito na yung paraan nila para itreat ang mga kanilang mga sarili. Araw ng sweldo, madaming tao sa mall, ginusto nilang kumain sa isang sikat na sikat na fast food chain.

Masayang masaya si Katbisyosa.. as usual, madaldal, makwento at laging pa-bida.

Dahil group sila, at mejo mahaba ang pila, nagkahiwa hiwalay silang pumila sa counter...

At ang eksena.. nauna umorder ang mga kasama nya at nung turn na nya...