Tuesday, September 10, 2013

Ang Tsinelas... Bow!

Kung si Jose Rizal ay may kwento tungkol sa tsinelas... teka alam nyo ba yon oh hindi? Kung oo, mabuti naman. Kung hindi, itanong mo na lang kay Google, paniguradong alam na alam nya ang lahat. Anyway, kung ang ating pambansang bayani ay may ganoong story, teka at hindi pahuhuli ang ating bida. May sariling version din nyan si Katbisyosa, kita nyo na, hinding hindi papatalo di ba?
***
Minsan isang araw, sobrang nag over time si Katbisyosa nag overnight at hindi natulog ma-meet lang ang kanyang mga deadline sa opisina. Ganyan sya ka-dedicated , hindi umuuwi hangga't hindi natatapos ang trabaho... kahit na may bagyo. Kadalasan kapag nag oovernight, ang maporma at fashionista na si Katbisyosa, pagsapit ng dilim at madaling araw, at pati na rin sa paguwi, nagpapalit ng sapin sa paa. Lagi nyang sinusuot ang paborito nyang TSINELAS. Pinagmamalaki pa nya yon kina M2 at M3 (mga katrabaho nyang sanggang dikit nya, aka katbisyosa's bodyguards). 

Halos patanghali na the following day.. may bagyo.. malakas ang ulan. Bangag at lutang na sina Katbisyosa at M2 at M3.. naghahanda na sa pag uwi..

M2: Ayos sa tsinelas katbisyosa ah!
Katbisyosa: Well, favorite ko to eh. See oh? Havaianas kaya yan... *yabang* Since high school ko pang tsinelas to eh. *habang naglalakad at nagfa fashion show*
M3: Ahhhh.. kaya pala eh.. halata naman na favorite mo. Teka, havaianas nga ba yan? Parang ganyan din kase yung nakita ko dun sa nagtutulak ng kariton.. yung magbobote. Hahaha! *Tawang mapang-asar*
Katbisyosa: Uyy.. grabe naman.. totoo naman kayang havaianas to. Ang tibay kaya nitooooo.. *naka-pout na, mejo nahurt sa sinabi nila M3*

Mayamaya lamang... 

Katbisyosa: Mga sirs, uuna na ako ah? May session pa kasi ako eh.. ahihihi! *kinikilig*
M2 at M3: Ayun naman talaga oh! Bumabagyo na, puyat ka pa, session pa din?! Sige ingat na lang ha? Enjoy!!!
Katbisyosa: Syempre noh... kailangan pa din yon. ahihihi! Byers! Ingat din kayo!

Bumyahe na nga si Katbisyosa.. mejo nahirapan kasi maulan at baha na sa kanilang lugar. Bumaba sya ng tricycle at habang naglalakad (as usual maarte pa din maglakad kahit na baha) malapit na sa kanilang bahay, nakakawala sa kaliwang paa ang tsinelas nya (dahil na din sa kalumaan) at inanod!  

"Oh em gee!, ang havaianas kooooooo.." *habang pinipilit na maabot ang pinakamamahal na tsinelas*..... Nang biglang....

Whooooooopppppppsssss!!!!


Hindi na napansin ni Katbisyosa na may manhole pala! Toinkz!!!  Buti na lang may angking talento itong si Katbisyosa at kahit papano ay naligtas ang buhay nya sa pagkapit na parang bayawak sa gate ng kapitbahay nilang si Ate Josie!

Kinabukasan sa terminal ng Tricycle....








3 comments:

  1. para akong nasa time space warp.. bumabalik yun nakaraan. naalala ko pa nun ang kwento sa ginintuan tsinelas na yan. ANG MOTTO nya nung oras na yun MY TSINELAS IS WORTH DYING FOR. (eng eng talaga)hehehe jarvis pogi

    ReplyDelete
  2. galing ba syang office non? nde ba sya papasok nun? tska nde manhole un. hukay ng maynilad ata yan!... hahahaah! havaianas ka pa huh. eh ung green na pamng-araro nyang tsinelas?

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha lalagyan ko na nga to ng disclaimer. bwahahaha! wait langs! :p

      Delete